PAGTATATAG NG EHEALTH SYSTEM, ISUSULONG

ISUSULONG ni Senador Sonny Angara ang panukala para sa pagtatatag ng Philippine eHealth system and services para sa telehealth at telemedicine.

Ayon kay Angara, layon ng kanyang panukala na kilalanin ang eHealth bilang kapantay ng iba pang healthcare delivery methods na tumutugon sa pangangailangan ng mga Pinoy partikular sa mga hindi naseserbisyuhan dahil sa layo ng kanilang lugar.

Nais ni Angara na magkaroon ng malinaw na polisiya, regulasyon at legal framework para sa national eHealth system.

Sa ilalim nito, magkakaroon ng Health Sector Enterprise Architecture na nakatutok sa automation at interoperability ng iba’t ibang eHealth services at applications.

Sasaklawin din nito ang paggamit ng Electronic prescriptions (e-prescriptions) upang matiyak na hindi mapuputol ang pagbili ng mga kinakailangang gamot ng bawat pasyente kahit sa panahon ng disease outbreak o enhanced community quarantines (ECQ).

“Telemedicine should be an option for our countrymen especially in the age of deadly viruses when people should avoid hospitals but would still be diagnosed by doctors remotely,”saad ni Angara.

Hinikayat din nito ang Department of Information and Communications Technology na pagsikapan ang pagkakaroon ng internet connectivity sa lahat ng lugar sa bansa. DANG SAMSON-GARCIA

181

Related posts

Leave a Comment