PULIS KINONDENA SA PAMAMARIL SA EX-ARMY

DISMAYADO si ACT-CIS Party-List Representative Jocelyn P. Tulfo sa naging asal ng mga pulis na sangkot sa pagbaril at pagkakapatay kay Winston Ragos, retiradong sundalo ng Philippine Army at kumpirmadong mayroong post-traumatic stress disorder.

Pabor ang mambabatas na imbestigahan ng Philippine Army Judge Advocate ang kaso at mula sa hanay naman ng PNP, ang National Police Commission ang dapat mag-imbestiga kasama ang PNP-NCRPO.

Ayon kay Rep. Tulfo, hindi naging katanggap-tanggap ang komento ng matataas na opisyal ng PNP sa insidente at premature ang ginawa nilang pagdepensa kahit hindi pa kumpleto ang impormasyon.

Ngunit, ayon pa sa mambabatas, mayroon nang malinaw na dahilan upang pagdudahan ang mga pulis na sangkot sa insidente dahil kitang-kita sa viral video na hindi sila sumunod sa maximum tolerance policy na itinatadhana sa enhanced community quarantine procedures.

Hindi rin tinupad ang mga regulasyon sa preservation ng crime scene dahil dinampot ng isa sa mga unipormadong naka- fatigue na kawani ng PNP ang bag ng biktima. Ayon sa mga regulasyon sa crime scene preservation, wala dapat hinawakan o ginalaw na kahit anong bagay sa lugar ng krimen.

“Hindi lang dapat yung bumaril ang i-confine to barracks. Dapat pati yung mga kasamang pulis sa insidente, i-confine to barracks din,” ayon sa mambabatas.

“I am hoping the joint investigation of the Army, the NAPOLCOM, and the PNP-NCRPO will be thorough, evidence-based, and objective, ani Tulfo na tiniyak ding babantayan niya ang development sa kaso. CESAR BARQUILLA

156

Related posts

Leave a Comment