PANGINGIBANG BAYAN NG HEALTH WORKERS NAIS PIGILAN NI PDUTERTE

NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pag-aralan ng Department of Justice (DOJ) ang legalidad kung paano mapipigilan ang mga Filipino healthcare worker sa pag- migrate sa ibang bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa Pangulo, bagama’t naiintindihan niya ang pangangailangan ng ibang bansa para tugunan ang kakapusan ng mga doktor at nurse sa panahon ng krisis pangkalusugan ay ayaw naman niyang ma-expose ang mga overseas Filipino worker sa panganib na mahawaan at mamatay sa COVID-19 sa ibang bansa.

“Ang problema, sabi ko we’ll have to look into this again. It has to be this week.

Maybe two days from now we’ll have to meet again and consult legal, si Secretary Guevarra, whether or not it would be legal for us to just stop the migration of health workers simply because they are being taken in in a place where there is so much,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public message, Lunes ng gabi, Mayo 4.

Kawawa lamang aniya ang mga Filipino na makikipagsapalaran sa ibang bansa sa panahon ngayon kaya makabubuting pag-usapan ito.

“It’s a more valid reason to stop a doctor and a nurse than the previous one which said that we’ll be deprived of workers. Walang ano yun, no leg to stand on, actually. But this one, if I send you to a warfront, the enemy is the COVID, the microbes, eh parang maawa ako,” aniya   pa rin.

“Please don’t misunderstand me. I am making it clear now. I do not want you to go there and come back in a coffin. That’s my only argument if you may because you are Filipinos at mahal ko ang mga buhay ng mga kababayan ko,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Noong nakaraang buwan ay binawi na ng pamahalaan ang Philippine Overseas Employment Administration’s (POEA) controversial ban sa deployment ng healthcare workers na nais mag-abroad sa gitna ng COVID-19 pandemic sa kondisyong ang mga may ‘perfected and signed overseas employment contracts’ lamang ang maaaring umalis ng Pilipinas at magtrabaho sa ibang bansa. CHRISTIAN DALE

167

Related posts

Leave a Comment