BALIK-PROBINSYA HINDI SAPILITAN

bus12

NILINAW ni Senador Christopher Bong Go na hindi magiging sapilitan ang pagpapatupad ng Balik Probinsya Program ng pamahalaan.

Sinabi ni Go na kung sino lang ang gustong umuwi sa kanyang lalawigan ay siya lamang tutulungan na makabalik.

Dagdag pa ng senador na hindi naman maaaring sapilitang pauwiin sa probinsya ang mga ayaw at may trabaho sa Metro Manila.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Go na nagkaroon na ng mga pagpupulong si Executive Secretary Salvador Medialdea, DILG officials at iba pang departamento para makabuo ng executive order na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang din dito ang pagbuo ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Council na siyang mangangasiwa sa implementasyon ng programa.

Tiniyak din ni Go ang patas na distribusyon ng pondo, oportunidad at iba pang magtitiyak na magiging maayos ang buhay sa mga probinsya para mahikayat ang marami na manirahan na sa kanayunan. NOEL ABUEL

100

Related posts

Leave a Comment