PINOY GINATASAN NG ABS-CBN

MISTULANG ginatasan ng ABS-CBN ang kanilang mga viewer sa paggamit ng air frequencies na libreng ibinigay sa kanila ng sambayanang Filipino sa pamamagitan ng gobyerno.

Ito ang isa sa mga nais kalkalin sa House Resolution (HR) 853 na inihain nina Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte, ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap at Cavite Rep. Abraham Tolentino.

Naniniwala ang mga nabanggit na mambabatas na posibleng nilabag ng ABS-CBN ang kanilang prangkisa sa kanilang pay-per-view channel sa pamamagitan ng free-to-air frequencies.

Ang tinutukoy nina Duterte, Yap at Tolentino ay ang paniningil ng ABS-CBN sa kanilang Kapamilya Box Office (KBO) at sa kanilang ABS-CBN TV Plus.

“By charging the public with its pay-per-view Kapamilya Box Office (KBO) channel through ABS-CBN TV Plus, it’s gaining huge profits at the expense of the public while using the air frequencies provided by the government for free,” banggit sa nasabing resolusyon.

Hindi idinetalye ng mga mambabatas kung magkano ang kinita ng ABS-CBN sa kanilang KBO Channel subalit malalaman ito sa sandaling simulan na ng House committee on legislative franchise na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz “Chicoy” Alvarez.

Base sa per-pay-view ng Kapamilya network, ang bumili ng TV Plus, isang digital set-up box ay maaaring magkaroon ng access sa kanilang mga channel tulad ng MYX at magbabayad ang mga ito ng karagdagang P30 para mapanood ang mga pelikula sa KBO channel.

Noong Pebrero, unang kinuwestiyon ni Solicitor General Jose Calida ang usapin sa kanyang inihaing quo warranto petition sa Korte Suprema at hiniling na ipatigl ito ng mga Mahistrado dahil paglabag ito sa kanilang prangkisa.

“Since ABS-CBN Corporation, without the requisite authority from NTC, has been continuously operating from KBO Channel, and illegally deriving profit from this unauthorized enterprise, the State can ask the Court to enjoin such operation,” ani Calida sa kanyang petisyon. BERNARD TAGUINOD

132

Related posts

Leave a Comment