SAP BENEFICIARIES DINAGDAGAN PA NG 5M

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng COVID-19 task force na dagdagan ng limang milyong low-income families ang mga benepisaryo ng emergency subsidy program.

Ang karagdagang pamilya ay bahagi ng first tranche ng Social Amelioration Program.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang second wave ng financial assistance ay sakop lamang ang mahihirap na pamilya na nakatira sa mga lugar sa ilalim ng enhanced community quarantine bunsod ng limitadong pondo.

Tinatayang 1,265 LGUs sa buong bansa ang naabot ang May 10 deadline na itinakda ng pamahalaan sa pamamahagi ng first tranche ng emergency cash aid.

Samantala, pinayuhan ng Malakanyang ang lahat ng mga manggagawa na hindi pa nakakakuha ng cash subsidy mula sa mga programa ng DOLE ngayong panahon ng krisis.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na maaari pa silang mag-apply sa subsidized salary program para sa small and medium enterprises o SMEs.

Aniya, aabot din kasi sa P51 billion ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa cash subsidy nito sa mga nasa sektor ng SMEs.

Base datos ng DOLE, halos nasa isang milyon pang manggagawa na nakapag-aplay na para sa naturang ayuda ang hindi pa rin nakatatanggap nito hanggang ngayon. CHRISTIAN DALE

178

Related posts

Leave a Comment