Sa hindi pagbibigay ng kompensasyon sa healthworkers BAYANIHAN LAW, NILABAG NG DOH

MALINAW na lumabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi pa rin pagkakaloob ng kompensasyon sa mga healthworker na namatay at tinamaan ng COVID 19.

Ipinaalala ni Lacson na bukod sa tig-P1 milyon na kompensasyon sa 32 healthworkers na namatay, dapat pa ring ibigay ng DOH ang special Risk Allowance sa government health workers; Free medical expenses sa public at private health workers; at P100,000 allowance sa public at private health workers na tinamaan ng virus.

“This makes us wonder: How can we heal as one when they can’t heal their own?” saad ni Lacson.

Sa deliberasyon ng panukalang Bayanihan to Recover As One Act, bukod kay Lacson, nagpahayag din ng pagkadismaya sa DOH sina Senador Sonny Angara, Senador Richard Gordon at Senador Kiko Pangilinan.

Kasabay nito, nangako si Angara na gagawa ng sulat na pipirmahan ng mga senador at hihikayat sa DOH na sundin ang nasa batas.

Iginiit ng mga senador na maituturing din na kapabayaan ng DOH ang hindi pa rin pagkakaroon ng implementing rules and regulations sa probisyon ng batas. DANG SAMSON-GARCIA

202

Related posts

Leave a Comment