Ikinukonsidera ng Palasyo sa mga ‘di pa makapasada JOBLESS NA TSUPER GAWING CONTACT TRACERS

MAAARING i-hire bilang contact tracers ang mga out of work jeepney driver sa kampanya ng pamahalaan laban sa novel coronavirus pandemic.

“We are actually considering alternative livelihoods for them. There’s a suggestion that they be employed as contact tracers because we do need about 120,000 of them and its only about 30,000 employed so far,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nangangailangan ang Pilipinas ng 95,000 mahigit na contact tracers para sa COVID-19 response.

Sa kabilang dako, sinabi ng health department na ang bansa ay may 38,000 contact tracers sa kasalukuyan.

Malayo sa bilang na 126,000 benchmark para ma-meet ang standard ng World Health Organization para sa Pilipinas na magkaroon ng isang contact tracer para sa kada 800 katao.

Nauna rito, sinabi ng Transport group na PISTON na may 500,000 jeepney drivers at 200,000 small jeepney operators ang apektado ng lockdown.

Sa ulat, umapela ng tulong mula sa gobyerno ang PISTON para sa mga drayber at iba pang apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay PISTON President Emeritus George San Mateo, sa loob ng halos dalawang linggo mula nang ipatupad ang community quarantine ay hindi naramdaman ng mga drayber at iba pang apektadong mamamayan ang tulong ng gobyerno.

“Bagama’t kinikilala natin ang pagsisikap ng ilang LGUs at barangay na magkaloob ng tulong subalit hindi ito sumasapat. Hanggang ngayon ay higit na malaking mayorya ng mga tsuper at mamamayan ang walang natatanggap na tulong,” ani San Mateo.

Bukod sa mas mabilis na pagpapaabot ng ayuda sa mga apektadong drayber at mamamayan, nananawagan din si San Mateo ng libreng mass testing para sa mamamayan.

Naniniwala rin siya na mawawalan ng saysay ang ECQ kung hindi naman magkakaroon ng mass testing sa mamamayan. CHRISTIAN DALE

150

Related posts

Leave a Comment