SABONG BAWAL PA RIN – DILG

HINDI pa rin pinapayagan na mabuksan ang mga sabungan sa kahit saang lugar sa Pilipinas.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na inabisuhan  nila ang mga lokal na pamahalaan na huwag munang payagan ang mga sabong sa kanilang lugar hangga’t wala pang direktiba ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

“Bawal po ang sabong hanggang ngayon,” ayon kay Usec. Malaya.

Aniya, nakarating sa DILG ang ulat na may mga lugar na pinayagan na muli ang pagsasabong.

Binigyang diin nito na walang direktiba na puwede na ang sabong kahit sa mga lugar na isinailalim na sa general community quarantine o GCQ at modified GCQ.

“Our advice to the various LGUs, mag-antay po tayo ng kaukulang direktiba sa IATF bago po natin payagan ang operasyon ng mga sabungan o cockpit arenas whether in a GCQ area or MGCQ area,” ayon kay Usec. Malaya. CHRISTIAN DALE

326

Related posts

Leave a Comment