Pero hanggang sampu katao lang kada misa SIMBANG QUIAPO BALIK NA

SA unang Biyernes ngayong buwan ay pinayagan nang makapasok sa Quiapo church ang mga deboto.

Bilang pagsunod sa guidelines na inilabas ng gobyerno ay 10 katao lamang ang pinapayagang makapasok kasa misa.

“Nagpapasok kami ng magsisimba tuwing mayroong misa pero limitado lang talaga sa sampu gaya ng sinabi ng IATF,” ayon kay Fr. Danichi Hui, Parochial Vicar ng Minor Basilica.

Kung wala namang misa ay maaaring pumasok ang nasa 50 ngunit papayagan lamang sila na manatili sa loob ng limang minuto.

May markings na nakalagay kada silya upang paalalahanan ang mga magsisimba na sumunod sa social distancing.

Mayroon ding misting tent bago pumasok sa simbahan. Ang temperatura rin ng mga tao ay tsini-check ng mga personnel ng simbahan na nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPE) suits.

Maging ang mga magbibigay ng communion ay nakasuot din ng PPE.

Sa kabila nito ay hinihikayat pa rin ng simbahan na dumalo sa mass online ang mga deboto kahit na nagbukas na ang mga simbahan. D. ANIN

284

Related posts

Leave a Comment