Naitala sa panahon ng lockdown LIBONG KABABAIHAN AT KABATAAN, INABUSO

LIBONG kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan ang naitala ng kapulisan simula nang magsimula ang lockdown sa bansa noong Marso.

Ito ang nakasaad sa weekly report ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isinumite sa Kongreso noong Lunes.

Nitong Hunyo 4, sinabi ni Pangulong Duterte na nakapagtala ang kapulisan ng 1,954 kaso ng karahasan laban sa kababaihan at 1,754 kaso ng karahasan laban sa mga kabataan.

Nauna rito, tinawagan ng pansin ng Commission on Human Rights (CHR) ang administrasyong Duterte na protektahan ang kababaihan at kabataan sa panahon ng COVID-19 lockdown.

At upang matugunan ang problemang ito, nakipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa local government units (LGUs) upang matiyak na maitataguyod ang karapatan ng kababaihan at mga kabataan.

“The PNP Women and Children Protection Desks are working closely with LGUs to ensure that the welfare of women and children are protected,” ani Pangulong Duterte.

Patuloy namang tumutugon ang Philippine Commission on Women sa ‘online inquiries.’

Ngayon lamang buwan nang magsimula ang pamahalaan ng malawakang pagpapagaan sa lockdown sa buong bansa para muling pasiglahin ang ekonomiya na nabugbog ng pandemya.

Maliban sa Metro Manila, Pangasinan province, Cagayan Valley, Central Luzon, Central Visayas, Davao City, at Zamboanga City, na nasa ilalim ng general community quarantine, ang lahat ng lugar sa bansa ay nasa ilalim ng mas relaks na modified GCQ hanggang Hunyo 15. CHRISTIAN DALE

294

Related posts

Leave a Comment