NAGMAMALASAKIT BA TALAGA SI SENADOR VILLANUEVA SA MGA MANGGAGAWA?

NAPAKARAMING kumpanya ang tumigil ang operasyon nang magkaroon ng samu’t saring uri ng lockdown sa bansa dahil sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, nakaraming kapitalista ang nagpatupad ng patakarang “no work, no pay”

Ang resulta, libu-libo ang mga manggagawang nawalan ng kita.

Umakyat pa sa 7.3 milyon ang nawala ng trabaho.

Namahagi ng P5,000 ayudang – pinansiyal ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa bawat manggagawang nawalan ng sahod sa panahong mayroong enhanced community quarantine (ECQ) at community quarantine (CQ) mula Marso 17 hanggang Mayo 15.

Ngunit, hindi pa lahat ay nabigyan kahit iyong mahigit isang milyong mga pangalan ng mga manggagawa na ipinasa ng mga pangrehiyong sangay ng DOLE sa DOLE – Intramuros.

Sa panahong ito, hindi nagsalita si Sen. Emmanuel Joel Villanueva.

Bakit ko nabanggit si Villanueva?

Si Villanueva kasi ang pinuno ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development kaya, siya ang pangunahing dapat magsasalita sa mga senador kapag ang isyu at mga suliranin ng mga manggagawa ang pinag-uusapan.

Hindi niya ipinatawag si DOLE Secretary Sylvestre Bello III kung bakit mahigit isang milyon na lang ang nasa listahan ng kalihim ang nawalan ng sahod ay hindi pa nabigyan ng P5,000 bawat isa.

Hindi rin nanawagan si Sen. Villanueva, sa pamamagitan ng media, kay Bello upang ayusin ng huli ang anumang problema at balakid sa tig-lilimang libong pisong ayuda sa mga manggagawa.

Wala akong napansing press statement ni Villanueva sa website ng Senate of the Republic of the Philippines tungkol sa manggagawa noong bawal pumasok sa kanilang mga kumpanya kapag hindi pagkain ang produktong alok sa publiko.

Hindi man lang hinikayat ni Villanueva si Bello na gawin ang lahat ng kanyang nalalamang diskarte upang magdagdagan ang bilang ng mga manggagawa na mabibigyan ng ayudang pinansiyal.

Tapos, hindi binatikos ni Villanueva si Bello kahit lantaran ang kapalpakan ng kalihim.

Hunyo, kung kailan nagpahinga ang Kongreso, ay saka lamang nagsalita si Villanueva pabor sa manggagawa.

Kung kailan lumabas sa media ang impormasyon ng ad ministrasyong Duterte na tumaas sa 7.3 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho nitong mayroong ECQ at CQ sa bansa.

Ito ang pambungad ni Villanueva sa kanyang press release nitong Hunyo 8: “The welfare of workers should be among the top priorities in creating a recovery plan for the country.”

Ang ganda! Nakatutuwa!

“Tingi-tingi ang binigay na pondo sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga programa nito. Talo ang manggagawa. Binuksan po natin ang ekonomiya simula noong Hunyo nang walang sapat na transportasyon. Talo ulit ang mga manggagawa. Sa kritikal na panahon ngayon, ang takbuhan po ng ating manggagawa ay ang gobyerno, ngunit napabayaan po ata natin sila,” patuloy ni Villanueva.

Ang ganda! Ang ganda-ganda talaga!

Ang sarap basahin! Ang sarap – sarap talagang basahin!

Heto pa: “The tough economic climate is already punishing workers with layoffs left and right. How do we expect our people to provide for their families if they are jobless? Our government cannot simply look away from their plight, and keep on overlooking their condition. We urge our policymakers to con sider the welfare of workers as they draw up the economic recovery plan of our country. After all, it is our workers who will fuel the engines of our economy.”

Ang tanong ko ngayon: Nagmamalasakit ba talaga si Senador Emmanuel Joel Villanueva sa mga manggagawa?

148

Related posts

Leave a Comment