Defensor binira ang DOH sa pagbaha sa merkado ng China-made test kits SABOTAHE SA RAPID TEST KITS

“IS DOH (Department of Health) sabotaging rapid test kits?”

Ito ang ibinatong tanong ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos payagan ng Food and Drug Administration (FDA) na maibenta sa Pilipinas ang mga rapid test kit (RTK) na hindi aprubado sa pinanggalingang bansa.

Ayon sa mambabatas, nakarating sa kanyang kaalaman na inaprubahan ng FDA ang may 16 RTKs na pawang galing sa China kahit hindi nabigyan ang mga ito ng permit ng kanilang gobyerno.

Marami umanong reklamo ang nakararating sa kanyang tanggapan dahil karamihan sa mga RTK na naibebenta ngayon sa merkado ay hindi accurate sa pagsusuri kung ang isang tao ay positibo o hindi sa COVID-19.

Kabilang sa kinukuwestiyon ni Defensor na RTKs na inaprubahan ng FDA ang Onsite COVID-19 ng CTK Biotech mula sa USA subalit ginawa sa China pero hindi aprubado ng USFDA.

Kasama rin ang Qingdao Hightop Biotech, Diagnosure COVID-19 ng Hangzhou Biotest Biotech, Bioscience Chongqing, Zybio Inc., Zheijang Orient Gene Biotech, Maglumi 2019 NCOs ng Shenzen New Industries Biomedical, VivaDiag ng Vivachek Biotech Hangzhou, Shanghai Outdo Biotech, Beijing Lepu Medical Technology, Hecin Scientific Inc., Shanghai Kehua Bio- Engineering, Medical System Biotechnology Co., Clongene, Hangzhou Clongene Biotech Co., Wantai Sars-Covng Beijing Wantai Biological at Hangzhou Alltest Biotech Co. Ltd.

“Masyadong maraming inaprubahan kahit walang permit from country of origin ng mga rapid test kits. FDA has no capacity to test the reliability of RTK so it has to depend on its counterparts from overseas. The problem is it approved the sale of RTK brands even though these were not approved by FDA from their respective home countries,” ani Defensor.

Dahil dito, pinagpapaliwanag ni Defensor sina DOH Undersecretary and FDA Director-General Rolando Enrique Domingo at FDA Director Bayani C. San Juan, sa walang habas na pag-apruba ng RTKs kahit hindi aprubado ng mga kanilang gobyerno.

“Mass testing is crucial in determining how many people among the population have antibodies. RTKs are meant to augment the PCR test (polymerase chain reaction test) through sampling of population with or without illness to determine how many in the community have been exposed,” ani Defensor.

Subalit kung hindi aniya aprubado sa bansang pinanggalingan ang RTK na ibinebenta sa Pilipinas ay walang silbi ang pagsisikap ng gobyerno na alamin kung sino-sino sa mga Filipino ang COVID-19 positive. BERNARD TAGUINOD

150

Related posts

Leave a Comment