PINAALALAHANAN ni Senador Panfilo Lacson ang mga nagbabalak magsagawa ng protesta laban sa Anti-Terrorism Bill hinggil sa ipinatutupad na health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Lacson na hindi dapat kalimutan ng mga magsasagawa ng protesta ang bawat quarantine protocol upang makaiwas sa aberya.
Kasabay nito, inamin ni Lacson na bahagi naman ng karapatan ng bawat Filipino ang pagsasagawa ng anomang uri ng kilos protesta.
Alinsunod anya sa Bill of Rights sa Konstitusyon, walang anomang batas ang maaaring ipasa laban sa freedom of speech, expression at press, o sa karapatan para sa mapayapang asembliya at petisyon laban sa gobyerno.
Kasabay nito, muling nilinaw ni Lacson na sa ilalim ng Anti-Terrorism Bill ay nananatili ang proteksyon para sa mga nabanggit na karapatan. DANG SAMSON-GARCIA
