Dual citizens iba-ban – Defensor MEDIA OWNERSHIP IRE-REGULATE NG KONGRESO

DESIDIDO ang mababang kapulungan ng Kongreso na i-regulate ang media ownership sa bansa at ipagbawal ang mga Filipino na may dual citizenship na magmay-ari at mamahala sa isang mass media company, broadcast media man o print media.

Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, vice chairman ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability na dumidinig sa prangkisa at paglabag diumano ng ABS-CBN sa batas.

“The Congress has the power to regulate media ownership by banning dual citizens from owning any share in any media company to protect the national interest,” ani Defensor, kaya siya mismo ang magsusulong umano sa batas na ito.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos lumitaw na American citizen ang dating chairman emeritus ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III nang pamahalaan nito ang network.

Bagama’t ipinanganak ng mga Pilipinong magulang kaya namana nito ang pagiging Filipino, pinalipas muna ni Lopez ang 48 taon bago kumuha ng Philippine Passport kaya nakuwestiyon sa joint hearing ang kanyang pagiging Filipino.

“The comprehensive House hearings on the proposed fresh grant of a 25-year franchise to ABS-CBN Broadcasting Corp.

“have shown that allowing a Filipino who is at the same time a citizen of another country is inimical to national security and the nation’s interest,” ani Defensor.

“It is contrary to the provision of the Constitution that media should be 100-percent owned and managed by Filipinos or cooperatives or corporations wholly owned by Filipinos. It is against another provision of the Charter banning dual allegiance,” dagdag pa nito.

Dahil dito, sinabi ng mambabatas na kailangang gumawa ng batas ang Kongreso na magbabawal sa mga Filipino na may ibang citizenship tulad ni Lopez na mamahala at magmay-ari sa isang mass media company sa Pilipinas.

Kailangan aniyang gawin ito upang masiguro na ang mga mass media company sa Pilipinas ay papanig sa mga Filipino kapag nagkaroon ng problema sa ibang bansa tulad ng nangyayari ngayon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa West Philippine Sea (WPS).

“At this time when Manila and Beijing are involved in a bitter dispute over the West Philippine Sea, which side such a Filipino-Chinese take? Which country’s interest he would protect?” tanong ni Defensor kaya kailangan masiguro aniya na tanging Filipino ang dapat mamamaha at magmay-ari sa isang mass media company. BERNARD TAGUINOD

133

Related posts

Leave a Comment