GCQ O MGCQ? DEPENDE SA DESISYON NI PDU30

NASA kamay na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kapalaran ng community quarantine sa bansa.

Ito’y matapos na ipinaubaya ng inter-agency body sa Chief Executive ang pagdedesisyon sa susunod na hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 habang binabalanse ang public health at ekonomiya ng bansa.

“Meron na pong rekomendasyon. Ang rekomendasyon bahala na po si Presidente,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Nakikita natin na ang numero po medyo hindi bumababa sa Metro Manila at sa Cebu City. Pero kung anong gagawin, iniwan na po kay Presidente,” aniya pa rin.

Aniya, ang Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ay maaaring ilipat sa modified general community quarantine (MGCQ) o bumalik sa modified enhanced community quarantine, o manatili sa ilalim ng GCQ.

“Pero kahit anong option po diyan, iniwan na po kay Presidente ang desisyon,” ani Sec. Roque.

Aniya, iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa darating na Lunes, June 15, ang desisyon nito. Sa nasabing petsa mapapaso ang GCQ sa Metro Manila, Central Luzon, Cagayan Valley, Calabarzon, Central Visayas, Pangasinan, Zamboanga City at Davao City. CHRISTIAN DALE

141

Related posts

Leave a Comment