PUSA NAGING ABALA, INISAHAN NG MAPAGLARONG DAGA

NAGING abala ang mga awtoridad nitong nakaraang buwan ng Abril at Mayo dahil naka-lockdown ang buong bansa dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Nagtayo at nagbantay ng mga checkpoints sa ibat-ibang lugar sa bansa lalo na sa mga pasukan at lagusan ng mga lalawigan, lungsod at bayan ang mga pulis bilang paglaban sa hindi nakikitang kalaban.

Kahit na nakalockdown ay nakakalusot pa ang mga tiwaling tao gamit ang kanilang passes.namabuking lang Kamakailan nang magkahulihan na nga.

Sa natanggap na press statement ng PUNA mula sa tanggapan ni PNP Chief Archie Francisco Gamboa noong nakaraang Hunyo 8, inanunsyo niya ang ‘major victories’ ng pulisya laban illegal drugs sa panahon ng general community quarantine (GCQ).

Sa pagitan lang ng Hunyo 1 hanggang Hunyo 4 nakakumpiska ang PNP Drug Enforcement Group (DEG) ng 890 kilograms ng crystal meth o shabu na tinatayang anim na bilyong piso (P6-B).

Ito ay sa pamamagitan ng 25 magkakahiwalay na operasyon na nagresulta ng pagkakaaresto ng 38 suspects at pagkamatay ng anim (6) katao.

Tinukoy ni Gamboa na 93% nang nakumpiskang shabu ay resulta ng 4-day operations noong Hunyo 1 hanggang 4 partikular ang isinagawang pagsalakay sa warehouse sa Bulacan.

Ang Chinese suspects na sina Yang Jun at Wu Ze Han na naaresto ay pinaniniwalaang nasa likod ng kidnapping kung saan ang ng tatlong kasamahan nilang Chinese ay naaresto sa Pasay City.

Ang kanilang biktima ay nailigtas ng Anti-Kidnapping Group sa Angeles City noong Hunyo 1.

Sa follow-up operation ng PNP-DEG noong nakaraang Sabado sa Paranaque City, nagresulta sa pagkakasamsam ng 36 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P224.8 milyon.

Noong ika-75 araw ng community quarantine period, nagsagawa ng anti-illegal drugs operations ang mga awtoridad sa buong bansa laban sa Marijuana farms sa Cebu at Kalinga provinces kung saan sinira ang 9,000 fully grown Marijuana plants.

Kaliwat kanan din ang pagkakakumpiska ng mga shabu sa iba’t-ibang lugar sa Quezon City sa pamamagitan ng Quezon City Police District (QCPD).

Ibig sabihin kahit nakalockdown ang buong bansa dahil sa Covid-19 ay tuloy pa rin ang operasyon ng mga ilegalista.

Parang China lang na kahit naka-lockdown ay tuloy ang kanilang pagpapalakas sa West Philippine Sea. At ang masakit, naaagaw na nga nila mga teritoryo natin ay sila pa rin ang nasa likod ng illegal drug trade sa bansa bukod pa sa pagpapasok ng kontrabando tulad ng sigarilyo na kadalasang ang gamit nila ay ang karagatan ng Zamboanga.

Sangkot din sa kidnapping ang Chinese na ang biktima ay kanilang mga kababayan at kalaunan ipinatutubos sa mga kamag-anak ng biktima sa China.

Pilit namang iwinawaksi ng PUNA ang sinasabi ng ilan nating tagasubaybay na “ Sir, hindi po mangyayari yan kung wala silang kasabwat na mga opisyal ng gobyerno.”

Sa overall, ang Peace and Order Index Crimes bumaba ng 483 kaso o 17.24% mula 2,801 kaso sa panahon ng pre-GCQ period kung ikukumpara sa 2,318 incidents sa panahon ng GCQ.

Tama pwedeng bumaba ang Index Crimes sa ibang krimen, pero pagdating sa ilegal na droga at mga pekeng sigarilyo ay maaaring tumaas.

Nagpapatunay niyan ay ang kaliwa’t-kanang pagkakakumpiska ng items, kaya hindi nagsisinungaling ang ebidensiya.

Wala silang takot na mahawaan ng COVID-19 kahit na nakalockdown ay tuloy pa rin ang kanilang operasyon.

“Hindi nga po sila natatakot sa epekto ng illegal drugs, Covid pa kaya”, may punto ang sinasabi ng ating tagasubaybay.

Kaya dapat bigyan ng konsentrasyon ng mga awtoridad ang paglaban sa lahat ng uri ng ilegal.

Para hindi makapaggala ang daga, dapat laging nakabantay ang pusa.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com

279

Related posts

Leave a Comment