NOYNOY PROMOTOR NG ONLINE BUSINESS REGISTRATION

noynoy12

PANAHON pa ng Aquino administration nang ipatupad ang pagre-require sa mga online seller na magparehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at magbayad ng buwis.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ipinatutupad lamang ng Duterte administration ang polisiya na nilikha noong termino ni dating BIR Commissioner Kim Henares.

“Ipinatutupad lang po natin ang instruction at isang batas na pinasimulan ni Presidente Noynoy Aquino,” ayon kay Sec. Roque.

Ipinakita sa record ng BIR na nagpalabas si Henares ng Revenue Memorandum Circular 55-2013 noong August 2013, na nagpapaalala sa mga nasa online business ng kanilang tax obligations. Ang 2013 circular ay nagsasaad din na ‘any person engaged in internet commerce who fails to comply with applicable tax laws, rules and regulations will be penalized.’

Kinastigo naman ng mga mambabatas ang naging hakbang ng BIR dahil ‘ill-timed and insensitive’ umano ang hakbang sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa ulat, nakiusap si ACT-CIS Cong. Eric Yap sa pamahalaan na huwag munang buwisan ang mga online seller ngayong panahon ng pandemya, lalo na ang maliliit ang income, kahit na kailangang-kailangan pa ng gobyerno ng pondo para labanan ang COVID-19.

Ayon kay Cong. Yap, chairman ng House committee on appropriations, “dapat pag-aralan munang mabuti ng Department of Finance at BIR ang planong ito kasi marami ang maaapektuhan lalo na ang maliliit na nagbebenta ng mga gamit o pagkain sa internet. CHRISTIAN DALE

159

Related posts

Leave a Comment