BINUKSAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Route 10 (Cubao-Doroteo Jose) upang kumpletuhin ang 31 rationalized city bus routes sa Metro Manila simula kahapon.
Sinimulan noong unang linggo ng Hunyo ang pagbubukas ng mga bagong ruta na kinabibilangan ng portion ng Route E (EDSA Carousel) to augment MRT-3 partial operation; Route 1 (Monumento-Balagtas); Route 2 (Monumento-PITX); Route 3 (Monumento-Valenzuela Gateway Complex); Route 4 (North EDSA-Fairview); Route 5 (Quezon Avenue-Angat); Route 6 (Quezon Ave., EDSA Taft Avenue); Route 7 (Quezon Avenue-Montalban); Route 8 (Cubao-Montalban); Route 9 (Cubao-Antipolo) to augment LRT-2; Route 11 (Gilmore-Taytay); Route 12 (Kalentong-Pasig); Route 13 (Buendia-BGC); Route 14 (Ayala-Alabang); Route 15 (Ayala-Binan); Route 16 (Ayala Ave.-FTI); Route 17 (Monumento-EDSA Taft) to augment LRT-1; Route 18 (PITX-NAIA Loop); Route 19 (North EDSA-BGC); Route 20 (Monumento-Meycauayan); Route 22 (Monumento-Angat); Route 23 (PITX-Sucat); Route 24 (PITX-Alabang); Route 25 (BGC-Alabang); Route 26 (PITX-Naic); Route 27 (PITX-Trece Martires); Route 28 (PITX-Dasmarinas); Route 29 (PITX-General Mariano Alvarez); Route 30 (PITX-Cavite City).
Bahagi ito ng gradual, calibrated at in phases approach pinaiiral ng gobyerno sa pagbabalik serbisyo ng pampublikong transportasyon.
Alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at DOTr, unti-unting ibabalik ang operasyon ng pampublikong transportasyon. (JOEL O. AMONGO)
