CHINESE WOMAN ARESTADO SA P27.2-M SHABU

TINATAYANG aabot sa P27.2 milyon halaga ng shabu ang narekober ng mga awtoridad sa isang hinihinalang bigtime drug personality na Chinese national na nasakote sa buy-bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong babae na si Tuan Xi Yao, alyas “Wendy/Chekwa”, 38, may asawa at walang trabaho.

Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA RO-NCR Eastern District Office, PDEG SOU4 at District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD sa koordinasyon sa Malabon Police sa ilalim ng pamumuno ni Col. Jessie Tamayao, kontra sa suspek sa No. 13, Road 25, Brgy. Dampalit, Malabon City.

Kaagad inaresto ang suspek matapos bentahan ng isang pack ng shabu ang isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska ng mga operatiba sa suspek ang humigit-kumulang sa 4 kilos ng shabu na tinatayang may standard drug price P27,200,000.00, isang genuine P1,000 bill na kasama sa boodle money na ginamit bilang buy-bust money, ID at cellphone.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. FRANCIS SORIANO

152

Related posts

Leave a Comment