22 ROOKIE COPS SA PAMPANGA, TINAMAAN NG COVID-19

CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga- Dalawampu’t dalawang rookie cops sa Central Luzon ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) base sa resulta ng kanilang swab testing na isinagawa ng Philippine National Red Cross sa Clark molecular laboratory.

Ayon kay Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director PBGen Rhodel Sermonia, lumabas ang resulta nito lamang Miyerkoles kung saan ang nasabing mga newly graduate policemen ay sumasailalim sa kanilang Field Training Program sa Angeles City Police Office (ACPO) at Mabalacat City Police Station mula pa nang magsimula ang quarantine period.

“Our rookie cops were immediately pulled out of their respective posts for treatment and we are now conducting contact tracing to prevent the spread of COVID-19,” ayon kay Sermonia.

“This goes to show that we are also most vulnerable to COVID-19, yet, we are committed to serve and protect our communities in spite [of] the perils we are facing,” sabi pa ng opisyal.

Nabatid na ang mga infected cops ay nasa ilalim ng supervision ng Regional Special Training Unit 3 (RSTU3) ng PNP Training Services na pinamumunuan ni Colonel Frederick Obar, na nasa Clark Freeport Zone.

Samantala, agad namang inatasan ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin ang City Health Office na magsagawa ng massive rapid testing sa lahat ng police precincts kabilang na ang ACPO headquarters.

Napag-alaman na ang ACPO ay mayroong mahigit 500 personnel, puwera pa ang mga civilian or non-uniformed employees na nakakalat sa anim na police stations at presinto sa nasabing lungsod.

“A total of six teams have been formed to speed-up the testing among police personnel of ACPO,” ani Lazatin, kung saan kailangan umanong magsagawa ng agarang contact tracing para maiwasan ang pagkalat ng nasabing nakamamatay na virus.

Lima sa nasabing rookie cops na tinamaan ng COVID-19 ay naka-deploy sa Mabalacat City police station.

Nabatid na lahat ng mga nasabing infected cops ay dinala sa ASEAN Convention Center kung saan sila gagamutin at susubaybayan.

Subject for rapid testing naman ang mga police personnel at staff ng RSTU, ayon pa kay Lazatin. ELOISA SILVERIO

127

Related posts

Leave a Comment