HINDI na dapat pang habulin ng gobyerno ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nais nang lumabas ng bansa dahil sa isyu sa pagbubuwis.
Ito ang binigyang-diin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kasabay ng pagsasabing malinaw ang mga batas para sa pagbubuwis.
Binigyang-diin nito na dapat magbayad ang mga POGO ng franchise at withholding taxes at dapat din nilang bayaran ang P50 bilyon nilang utang.
Hinikayat din nito ang Bureau of Internal Revenue na ipatupad ang closure order sa mga delingkwenteng kumpanya.
Samantala, hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang PAGCOR na kanselahin na ang lahat ng lisensya ng mga POGO na hindi tumutugon sa batas.
Dapat anyang ipatupad ng PAGCOR ang regulatory powers nito at patawan ng parusa ang mga POGO na hindi nagbabayad ng obligasyon. (DANG SAMSON-GARCIA)
