MORATORIUM SA PAG-UWI NG LSIs, APRUB SA IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force ang moratorium sa pagpapauwi ng locally stranded individuals (LSIs) sa ilang lugar lamang.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga lugar na ito ay ang buong Region VI, buong Cebu Island kasama na ang Mactan, Region VIII at ang Caraga.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Sec. Roque na maglalayag na ang isang bapor na unang nabalita na pupunta sa Dumaguete at Zamboanga na naantala ang pag-alis dahil wala raw PCR results.

Hindi na aniya nire-require ang PCR.

“Ang ating protocol pa rin po ngayon: Health certificate, dito po kung manggagaling sa Manila; at pagdating po sa probinsiya, bigyan ng PCR kung mayroon, kung wala ay i-quarantine ng 14 days,” ayon kay Sec. Roque.

Ipinaliwanag ni Sec. Roque na kaya naman nagkaroon ng moratorium ang mga nasabing rehiyon ay dahil wala na ang mga itong lugar para mag-quarantine lalung-lalo na sa Caraga; ang Cebu Island at Mactan naman ay nasa ECQ. (CHRISTIAN DALE)

175

Related posts

Leave a Comment