SSS MAY CASH AID SA MGA JOBLESS DULOT NG COVID-19

INANUNSYO ng Social Security System (SSS) na mayroon silang programang Unemployment insurance benefits na layong tulungan ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil nagsara ang kanilang pinapasukang trabaho dulot ng pandemya.

Sa Laging handa public briefing ay sinabi ni SSS President Aurora Ignacio na simula noong naging epektibo ang programa noong Aug. 2019 ay higit 30,000 empleyado na ang nag-apply kung saan nakapagpalabas na sila ng P354M na pondo para sa kanilang loan application.

Sa kabilang dako, nito lamang June 1 – 23 ay nasa 4,496 na aplikasyon ang kanilang natanggap at nakapaglabas na sila ng P60M na pautang para sa mga ito.

Kinakailangan lamang na makapagpakita ang borrower ng sertipikasyon o katibayan na nawalan ito ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic para ito ay makasali sa loan program.

Aniya, ang halaga ng pautang na makukuha ng isang SSS member ay kalahati ng kanyang sweldo at ito ay kanyang matatanggap sa loob ng 2 buwan.

Ani Ignacio, pasok din sa programa ang mga displaced Overseas Filipino Worker.

Sa mga interesadong miyembro, maaari aniyang mag-fill-up ng form sa My.SSS at gagawin ang pagproseso sa loan application via online. (CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment