HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na pag-aralan ang pagtatayo ng field hospitals
upang ma-accommodate ang mga tinamaan ng COVID-19.
Sinabi ni Gatchalian na marami sa mga pagamutan ngayon ang full capacity na sa COVID-19
patients at hindi ito maaaring upuan na lamang ng pamahalaan.
Naniniwala ang senador na sa ngayon ay nagagawa ng gobyerno ang lahat ng hakbangin maliban sa
pagtatayo ng makeshift hospitals para lamang sa COVID-19 patients.
Idinagdag ng senador na may mga Filipino architect na ang nagdisenyo ng low-cost Emergency
Quarantine Facilities (EQFs) na maaaring maglaman ng 15 beds, isang external testing box,
disinfecting spaces, at lavatory facilities.
Sa halip anya na ibalik sa Modified o Enhanced Community Quarantine ang iba’t ibang lugar sa
bansa, mas makabubuting palawigin na lang ang healthcare system.
“Lahat ng World Health Organization (WHO) recommendations ginagawa na natin, pati ang
National Task Force ginagawa na rin ang lahat. We just have to prepare for the worst dahil ginawa
naman nila ang lahat ng nasa WHO playbook,” pahayag ni Gatchalian. (DANG SAMSON GARCIA)
