Villar tinawag na anti-farmers 97K EKTARYANG SAKAHAN NA-CONVERT SA SUBD./FACTORY

MAHIGIT 97,000 ektaryang lupa na dating sakahan ang nai-convert na sa subdivision at mga pagawaan sa loob lamang ng 28 taon o mula 1988 hanggang 2016.

Ito ang nabatid sa AGHAM-Advocates of Science and technology for the People na labis na nadismaya sa pahayag ni Senate committee on agriculture and food chairperson Sen. Cynthia Villar ukol sa land conversion.

“Villar’s statement on land conversion is anti-farmer,” ayon sa AGHAM matapos ipahayag ng Senadora na “Yung sinasabi na huwag daw i-convert ang farmlad para magtayo ng bahay at huwag i-convert ang farmland para magtayo ng factory, mali ‘yon”.

“Senator Cynthia Villar’s recent pronouncement regarding land conversion as one that reeks of arrogance and ignorance on Philippine agriculture. But this is expected from someone whose family business involves converting lands into commercial and residential use,” ayon pa sa grupo.

Ayon kay Feny Cosico, secretary general ng AGHAM, dahil na-convert ang may 97,592.5 ektaryang agricultural land sa subdivision at factory mula 1988 hanggang 2016 ay nawalan umano ng 19,518 toneladang palay ang bansa.

Limitado lang sana aniya ang inaangkat na bigas ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa para mapunan ang kakulangan ng supply dahil pakonti nang pakonti ang produksyon ng mga lokal na magsasaka dahil paliit nang paliit ang lupang sinasaka dahil sa land conversion.

Binakbakan din ng nasabing mambabatas na kailangan ang makabagong teknolohiya para lumaki ang produksyon ng mga magsasaka.

“Without land and water, agricultural production is impossible,” ayon pa kay Cosico kaya dapat aniyang itigil ang land conversion dahil hindi magkakaroon ng food security sa bansa.

Kailangang tumayo sa sariling paa aniya ang Pilipinas para magkaroon ng food security dahil lilimitahan na ng Vietnam ang pag-export ng bigas subalit makakamit lamang ito kung ititigil na ang land conversion. (BERNARD TAGUINOD)

181

Related posts

Leave a Comment