Payo ng expert sa mga couple MAG-FACE MASK KUNG MAGSI-SEX

PWEDE ang sex, basta may face mask! Iyan ang sinabi ng Canadian chief public health officer, kung saan hinikayat niya ang mga couple o mag-asawa na gustong mag-sex na dapat ay nakasuot ng masks para maiwasang kumalat ang coronavirus o COVID-19.

“Sex can be complicated in the time of COVID-19, especially for those without an intimate partner in their household or whose sexual partner is at higher risk for COVID-19,” sinabi ni Theresa Tam sa kanyang kalatas.

“The lowest risk sexual activity during COVID-19 involves yourself alone,” sinabi niya.

Iginiit pa ni Tam na ang pakikipag-sex sa hindi asawa o iba’t ibang partners ay malaking risk na mahawa ng COVID-19.

“Skip kissing and avoiding face-to-face contact or closeness (and) consider using a mask that covers the nose and mouth,” sinabi ni Tam.

Dagdag ni Tam, dapat ay bawasan din ang pag-inom ng alak.

Naniniwala rin siya na mababa ang tsansa na maipasa ang COVID sa semilya o tinatawag din na vaginal fluids.

Pero iginiit pa rin niya ang paggamit ng condom. (CATHERINE CUETO)

200

Related posts

Leave a Comment