PINOY BAWAL PUMASOK SA MALAYSIA

IKINALUNGKOT ng Malakanyang ang naging desisyon ng bansang Malaysia na i-ban ang pagpasok ng mga Indian, Indonesian, at Philippine citizens sa kanilang bansa.

Pinagbasehan kasi ng Malaysia ang ulat na pumapangalawa na kasi ang Pilipinas sa Indonesia sa pagkakaroon ng mataas na kaso ng COVID-19 sa SouthEast Asia.

“Well, that’s a sovereign decision whoever will be allowed to enter one’s territory. I’m not saying we are happy.

I’m saying we regret the decision but respect the sovereign decision of Malaysia,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Araw ng Martes, Setyembre 1 nang ianunsyo ng Malaysia na ang mga mamamayan o byahero na may long-term passes na magmumula sa Pilipinas ay pagbabawalan na pumasok sa Southeast Asian country.

Ang pahayag na ito ni Malaysia Senior Defense Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob ay bunsod ng ulat na sumipa pataas ang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ang desisyon ay magiging epektibo sa Setyembre 7, kung saan ang sakop ay ang mga long-term pass holders kabilang na ang may permanent resident status, Malaysia My Second Home pass holders, at maging ang expatriates at professional  visit pass holders.

Ang mga Foreign student at spousal visa holders ay sakop din ng ban.

Sa ulat, ang huling travel restrictions ng Malaysia ay ipinatupad din sa Indonesia at India makaraan na ang dalawang nasabing bansa ay tumaas din ang infections.

Ang Indonesia ang kasalukuyang mayroong “second highest number” ng COVID-19 cases sa rehiyon kasunod ng Pilipinas.

Ang India, sa kabilang dako ang itinuturing na “fastest-growing outbreak” sa buong mundo dahil sa 75,000 kaso na naiuulat kada araw.

Sinabi ni Ismail na ang travel restrictions ay ipinatupad upang maiwasan ang sinasabing importing ng COVID-19 cases sa Malaysia.

“We have asked the Health Ministry to make detailed planning on how Malaysia should face threats and challenges in view of the possibility of an increase in cases during winter. We have started tightening border controls by not allowing people from the 3 countries to enter,” ayon kay Ismail. (CHRISTIAN DALE)

487

Related posts

Leave a Comment