NAGLABAS ng abiso ang pamunuan ng Cavitex o Coastal Road sa Parañaque sa mga motorista, na pansamantalang isasara ang isang lane sa southbound nito.
Sinabi ng Cavitex na nagsimula ito kahapon. Ibig sabihin, hindi muna pwedeng daanan ang innermost lane sa southbound o papuntang Cavite.
Maging ang apektadong bahagi na malapit sa Parañaque Bridge.
Ipinaliwanag naman ng Light Rail Manila Corporation na kailangan nilang ipasara ang lane dahil sa gagawing pipe relocation ng Maynilad para hindi ito maging sagabal sa LRT Line 1 extension project.
Ito ay inaasahang tatagal hanggang Dec. 15.
Humihingi naman ang LRMC ng pag-unawa sa mga motorista.
Isa sa mga paraan para matulungan ang mga motorista ay binuksan ang bagong entry point sa Cavitex na Pacific Drive entry. (CATHERINE CUETO)
463
