E-BIKES, SCOOTERS ‘DI KAILANGANG IREHISTRO

ANG mga electronic bikes at scooters na may maximum speed na 25 kilometers per hour ay hindi na kailangan pa na magparehistro kapag gagamitin sa kalsada, ayon na rin sa Land Transportation Office.

Sinabi ni LTO Chief Edgar Galvante na ang mga naturang e-bikes ay maituturing na nasa smaller category kayat hindi na kailangan ng driver’s license mula sa ahensya.

Pero ang mga e-bike at e-scooters na exempted sa lisensya at registration, limitado lang ang operasyon sa mga kalsada sa barangay at sa bicycle lanes.

Pinag-aaralan pa ng Department of Transportation (DOTr) ang guidelines para rito.

Sinabi ni Galvante na ang regulation ng e-scooters at e-bikes ay ibabase nila sa mga kategorya, magdedepende sa bigat at specifications para maprotektahan ang mismong rider.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na maging siya ay tutol sa pag-regulate sa e-scooters. (CATHERINE CUETO)

130

Related posts

Leave a Comment