ASG LEADER IDANG SUSUKAN PATAY SA OPENSIBA

idang7

(NI JG TUMBADO)

KINUMPIRMA ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakasawi ni Abu Sayyaf Group sub-commander Idang Susukan matapos ang mas pinaigting na air at ground assault ng militar at pulisya laban sa mga terorista sa Patikul, Sulu noong February 2.

Batay sa ipinahayag kahapon ni Asst. Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations at tagapagsalita ng AFP na si Brig. General Edgard Arevalo, February 4, araw ng Lunes ng malagutan ng hininga ang notoryus na ASG sub leader bunsod ng kumplikasyon mula sa tinamong mga sugat sa katawan bunga ng bakbakan.

Una nang lumabas sa intelligence report, malubhang nasugatan si Susukan makaraang sagupain ng kanyang grupo ang militar na tumutugis sa kanila sa Patikul at habang nasa kalagitnaan ng labanan ay itinakas umano siya ng isang kumander Annuar Abdulah ng Moro National Liberation Front (MNLF) patawid sa liblib na lugar sa Talipao.

Iniulat din ng militar na si Susukan ay nasawi noong 2017 sa kasagsagan ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘all-out-war’ laban sa mga teroristang Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BiFF).

Subalit bigla na lamang lumitaw muli ang pangalan ng ASG commander sa huling yugto ng taong 2018 dahil sa panibagong pagdukot ng ilang foreign nationals sa silangang bahagi ng karagatang sakop ng Sabah.

Ang bagong paglulunsad ng militar sa air at ground assault sa teroristang grupo ay bunsod ng nangyaring malagim na kambal na pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Enero 27 na ikinasawi ng mahigit dalawampung indibidwal at ikinasugat pa ng marami.

Si Idang at kanyang grupo ang siyang itinuturong responsable sa pagdukot sa ilang foreign tourists noong 2012; 2013 partikular kay Sarawakian Bernard na kauna unahang Malaysian national na kanilang pinugutan.

Taong 2018 nang makipagsanib pwersa umano si Indang sa isa pang ASG sub commander na si Hatib Hajan Sawadjaan kaugnay ng planong pagdukot bunsod na rin ng hindi pagsali sa Bangsamoro Organic Law.

 

145

Related posts

Leave a Comment