100 SAKO NG ORGANIC FERTILIZER, 50 SEED PACKS TINANGGAP NG DON BOSCO

NAMAHAGI ng tulong pang-agrikultura ang Villar Social Institute for Progress and Governance (SIPAG) sa isang eskuwelahan ng Tondo, Maynila upang simulan ang pagbibigay ng kabuhayan sa mahihirap.

Sa pahayag, sinabi ni Senador Cynthia Villar na sa pamamagitan ng kanilang foundation, nagbigay ito ng 100 sako ng organic fertilizer at 50 sets ng seed packs sa Don Bosco Tondo Buhay sa Gulay Project.

Nagkaloob ang mambabatas, chairman ng Senate committees on food and agriculture at environment and natural resources, ng pangkabuhayan sa mahihirap na komunidad sa pamamagitan ng Help For Gulay Project.

Nakipag-partner ang Villar SIPAG sa Don Bosco Tondo, Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Agriculture (DA) sa programang ito. (ESTONG REYES)

168

Related posts

Leave a Comment