KALIGTASAN NG KABATAAN, TIYAKIN

HINIMOK si Senadora Grace Poe ang gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataan sa gitna ng pagpapaluwag ng restrictions at pagbibigay ng go signal sa mga minor na makapunta na sa mga mall.

“As government plans to relax quarantine restrictions on minors, we trust that the government and mall authorities will be rigorous in implementing measures to ensure that safety protocols are observed,” pahayag ni Poe.

Ipinaliwanag ng senadora na dahil sa Covid19 pandemic, naiba ang mundo ng kabataan sa gitna na rin ng pagpapatupad ng bagong sistema ng pag-aaral.

“Children’s lives have been turned upside down by this pandemic. Living up to the routine inside the home for months has been a real challenge for them,”dagdag ni Poe.

Sa kabila naman ng usapin na nangangailangan ng socialization ang kabataan, ipinaalala ng mambabatas na hindi pa rin natatapos ang laban ng bansa sa Covid19 hangga’t wala pang ligtas na bakunang maibibigay sa lahat.

“The government remains in a hunt for adequate funds to give the free shots at least to the most vulnerable sectors and needy segment of the population, and make them available at reasonable rates to those who can afford,” paliwanag pa nito.

Una nang pinayagan ng Inter Agency Task Force na makalabas na ng kanilang mga tahanan ang mga menor de edad at makapasok sa mga mall sa kabila naman ng pagtutol ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na simulan na ang limitadong face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng virus. (DANG SAMSON-GARCIA)

142

Related posts

Leave a Comment