DIOKNO NO-SHOW SA HEARING SA KAMARA

DIOKNO-2

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Sulat at hindi mismo si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang dumating sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa kanyang tanggapan.

Si Diokno ay pinadalhan nina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at House committee on appropriation Chairman Rolando Andaya Jr., para humarap sa imbestigasyon.

Sinabi ni Diokno sa sulat, na bagama’t nais umano nitong makipagtulungan sa Kongreso, iginiit nito ang “…the right of Department of Budget and Management officials and staff to proper notice and a fair and just hearing”.

Paliwanag pa niya, mismong ang panuntuan ng Kongreso na dapat maipadala  tatlong (3) araw ang subpoena o imbitasyon sa isang witness o resources person bago ang pagdinig na nakasaad sa House of Representatives (HoR) rules, partikular na sa Section 8 (3) of rules of procedures governing inquiries in aid of legislation.

Maliban dito, humingi din ng listahan ng mga itatanong ng mga mambabatas sa kanya sa kanyang pagharap sa nasabing imbestigasyon at ginamit nito na katuwiran ang ruling ng Supreme Court (SC) sa Neri vs Senate Committee on accountability of Public Officer and Investigation na nagpapatag sa Senate vs Ermita Case.

Nakasaad sa ruling aniya ng SC sa dalawang nabanggit na kaso na kailangang alam ng resource person ang mga itatanong sa kaniya,  na para masigurong maproteksyunan ang karapatan at makapaghanda sa dadaluhang pagdinig.

Hindi naman ito ikinagulat ni Andaya dahil una pa lamang aniya ay umiiwas na ang Kalihim sa imbestigasyon upang hindi madiin sa mga natuklasang anomalya at maling polisya sa pagpapatakbo sa DBM.

131

Related posts

Leave a Comment