Aabot sa 12.068 bilyong pisong ang kabuuang nakolekta ng Bureau of Customs – Port of Batangas para sa buwan ng Nobyembre taong kasalukuyan.
Ang nasabing halaga ay katumbas ng 19.25 porsyento o katumbas ng 1.95 bilyong pisong lagpas sa kanilang target para sa naturang buwan.
Naka-assigned na target sa Port of Batangas para sa buwan ng November 2020 ay nagkakahalaga lamang ng 10,120,187,619 bilyong piso subalit nakapagtala sila ng positibong laspas na 1,947, 893,043 bilyong piso (P1.95B).
Dahil dito, nagpasalamat ang pamunuan ng Port of Batangas sa kanilang mga stakeholders gayundin sa lahat ng kanilang mga tauhan dahil sa kanilang patuloy na suporta na nakapag-ambag para maabot at malagpasan pa nila ang kanilang target na koleksyon.
Samantala nakiisa naman ang personnel ng Port of Batangas sa 18-Day Campaign to End Violence Againts Women (VAW) sa buong bansa.
Ang Bureau of Customs (BOC) ay nakiisa sa pagtalima sa buong bansa ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) na nagsimula noong Nobyembre 25, 2020 at magtatapos sa Disyembre 12, 2020.
Ang BOC ay isa sa kasama ng Philippine Commission on Women sa pagprotekta sa karapatan ng kababaihan at pagtugon sa lahat ng klaseng VAW sa pamamagitan ng pagtaas ng kaalaman sa kanilang personnel, stakeholders at ang publiko sa nasabing isyu.
(Joel O. Amongo)
