Bilang bahagi ng pagsisikap ng Bureau of Customs (BOC) sa patuloy na partnertship sa stakeholders at maayos na pagtataguyod ng kalakalan, ang Bureau of Customs – Port of Subic ay nagsagawa ng awarding ng pagkilala para sa kanilang Top 20 Revenue Contributors sa nagdaang 2nd at 3rd quarter ng taong 2020.
Kinilala ng Port of Subic ang stakeholders sa hindi matinag na pagsisikap at suporta sa pwerto maging ngayong panahon ng pandemic.
Ang pagbibigay ng award ay pinangunahan ni District Collector Maritess T. Martin kasama si Deputy Collector for Assessment Maita S. Acevedo at iba pang opisyal ng BOC-Subic.
Sa pamamagitan ng digital greetings, ginawa ni Collector Martin ang kanyang taos pusong pasasamalat sa lahat ng Port’s Stakeholders at Partners kaugnay ng kanilang napakatinding kontribusyon sa collection performance ng pwerto na nakapagtala ng positibong koleksyon sa gitna ng pandemya.
Ang pagbibigay ng Plaques of Appreciation ay nakatakdang ihatid sa kani-kanilang mga opisina para sa pagsunod sa protocols kaugnay sa pagtipon-tipon at malimitahan ang face-to-face activity sa nasabing Port.
Ang Port of Subic ay kasama sa pito (7) sa labing pitong (17) collection districts na nakapag-ambag sa Bureau of Customs (BOC) na nalagpasan ang kanilang October 2020 Revenue Collection Target.
Batay sa ipinost ng BOC ay nakapagtala sila ng 50.9 bilyong pisong koleksyon na may 2.5 bilyong pisong lagpas (surplus).
Nakapag-ambag ang Port of Subic ng 2.830 bilyong piso na may lagpas (surplus) na 196 milyong piso para buwan ng Oktubre 2020 target.
(Boy Anacta)
