RED-TAGGING MAPANGANIB

HINILING ni Senador Grace Poe sa sinoman na dapat nang matigil ang walang patumanggang batuhan at walang basehang akusasyon habang nagkakaroon ng debate kung hindi o gagawing krimen ang red-tagging.

Sinabi ito ni Poe sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig sa red-tagging sa ilang celebrity na kumikiling o nakikisimpatiya sa makakaliwa at sinabing dapat maging maingat ang militar sa kanilang pahayag dahil hindi lamang pinagbabantaan ng pamahalaan ang mga inaakusahan at kahit sa social media aniya ay nakatitikim sila ng panlalait ng mga taong sumusuporta sa gobyerno.

“Certainly, the reckless tagging of anybody that will damage their reputation, that will put them in danger is something that we really need to prevent,” aniya sa interview.

“Whether or not it’s called red-tagging or false accusations, public humiliation or any pronouncement that is not substantiated should really be controlled because otherwise, people will be wary of all of these. Any citizen now is subject to that same threat,” giit pa niya.

May ilang senador, kabilang ang chairman ng Senate committee on national defense and security, si Senador Panfilo Lacson ang nagpahayag na payag silang pag-aralan ang suhestiyon na patawan ng multa ang sinomang indibidwal na isinasangkot sa communist movement.

Isinagawa ang naturang suhestiyon ni dating Ateneo School of Government Dean Antonio La Viña sa ginanap na pagdinig ng Senado sa pagsasabing ang red-tagging ay “terrorism in its worst form.”

Naunang tinutulan ni Senate President Vicente Sotto III ang panukala ni Lacson na gawing krimen ang red-tagging na tinawanan lamang umano ni Pangulong Duterte. (ESTONG REYES)

124

Related posts

Leave a Comment