MABILIS NALASING GINILITAN NG KAINUMAN 1 pang lasing patay sa suntok

BATANGAS – Agad nalagutan ng hininga ang isang lalaki makaraang gilitan at pagtatagain ng kanyang kainuman sa bayan ng Lemery sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng Lemery police ang biktimang si Edgar Alto na idineklarang dead on the spot dahil sa mga taga sa leeg at saksak sa dibdib

Batay sa report ng Lemery police, magkainuman ang biktima at ang suspek kasama ng ilan pang kaibigan ngunit dahil sa kalasingan ay nagkasagutan ang dalawa.

Habang nagtatalo ay kumuha ng itak ang suspek saka pinagtataga at sinaksak ang biktima.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek na kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Samantala sa lalawigan ng Quezon, nalagutan ng hininga ang isang 46-anyos na obrero makaraang rapiduhin ng suntok ng kanyang kainuman na hinamon niya ng away sa Brgy. San Lorenzo sa bayan ng Mauban noong Lunes ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival sa Mauban District Hospital ang biktimang si Walter Abo Visco.

Agad namang nadakip ng mga pulis ang suspek na si Eddie Boy Andaya Peñaranda, construction worker, residente sa kalapit na barangay ng Balay-Balay

Batay sa report ng Mauban police, Linggo pa ng gabi nagsimulang mag-inuman ang grupo kasama ang suspek at biktima sa loob ng bahay ng isa nilang kaibigan.

Ngunit dakong alas-3:30 ng madaling araw noong Lunes, dahil sa sobrang kalasingan, hinamon ng biktima ng suntukan ang suspek.

Lumabas ng bahay ang dalawa at nagsuntukan hanggang sa ma-knock out ang biktima at binawian ng buhay.

Nakakulong nasa Mauban Police Station locked up cell ang suspek na nahaharap sa kasong homicide. (NILOU DEL CARMEN)

135

Related posts

Leave a Comment