GALIT NI GATCHALIAN IPINATIKIM SA NEGOSYO NI MVP

NAPIKON na si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa management ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa kawalan nila ng maayos na sistema sa pag-iisyu ng Radio Frequency Identification (RFID).

Nagdulot ng matinding trapik sa may toll gate sa dulo ng Mindanao Avenue exit na sakop ng Valenzuela City ang nasabing pagiisyu ay ng RFID.

Simula kasi nitong nakaraang Disyembre 1, 2020 ay naghigpit na ang management ng NLEX na hindi na tatanggapin ang cash payment mula sa mga motorista na dadaan sa kanilang mga toll gate.

Kung hindi makakakuha ng RFID pagdating ng Enero 2021 lahat ng mga sasakyan na wala nito na dadaan sa mga toll gate ay pagmumultahin na.

Kaya naman ang mga may sasakyan ay nagkukumahog na makakuha ng RFID.

Kaya ayon inabot ng napakahabang pila ang mga sasakyan sa Mindanao Avenue exit toll gate.

Dahil sa matinding trapik sa toll plaza, pati ang siyudad ng Valenzuela ay naapektuhan.

Napansin ito ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian kaya napikon ang mama at pinakansela niya ang business permit ng NLEX sa bahagi ng nasasakupan ng kanilang ng siyudad.

Kasunod ng kanselasyon ng business permit ay nagtalaga ng mga traffic enforcer at pulis ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa Mindanao Avenue exit.

Dahil dito, itinigil ang paniningil ng toll fee sa mga toll gate na nasasakop ng Valenzuela City.

Bakit itinigil ng pamunuan ng NLEX ang kanilang paniningil ng toll fee? Kasi wala na silang business permit.

Lumalabas na magiging ilegal ang kanilang paniningil kapag magpapatuloy pa sila na maningil kahit wala na silang business permit.

Kaya ayun biglang nagluwag ang trapik sa toll gate ng Mindanao Avenue exit papasok sa NLEX.

Naging pabor pa sa mga motorista ang ginawang pagkansela ni Mayor Gatchalian ng business permit ng NLEX.

Napag-alaman ng PUNA na hangga’t hindi naaayos ng pamunuan ng NLEX ang kanilang sistema sa pag-iisyu ng RFID ay hindi sila iisyuhan ng business permit. Buti nga sa inyo!

Ibig sabihin may balls din si Mayor Gatchalian kahit na higanteng negosyanteng si Manny V. Pangilinan aka MVP ay hindi siya nasindak.

Ngayon sa ginawa ni Mayor Gatchalian na pagkansela ng business permit ng NLEX ay gusto rin itong sundan ng iba pang Local Government Units (LGUs) tulad ng Caloocan City at Pampanga.

Lumaki na ngayon ang ­problema ng management ng NLEX.

Tama lang na iparamdam sa mga negosyanteng ito na may batas din ang lokal na pamahalaan na dapat nilang sundin.

Minsan kasi dahil malalaking negosyo na ang kanilang pinatatakbo ay pakiramdam nila sila na ang mga hari.

Binalewala na nila ang mga batas ng LGUs.

Nagkakamali kayo dahil kung saan nandun nakalagay ang inyong mga negosyo ay dun din kayo kukuha ng business permit.

Paano ngayon kung hindi na isyuhan ng business permit ang NLEX ni Mayor Gatchalian na nasa ilalim ng kanilang siyudad? Hindi na rin kayo maaaring maningil ng toll fee.

Pabor sa mga motorista yan.

Kailangan ayusin nyo ang inyong serbisyo sa inyong mga kustomer (motorista) para hindi nakakansela ang inyong business permit.

Dapat nga iisa na lang ang RFID ng NLEX, SLEX o South Luzon Express Way at iba pa para hindi nahihirapan sa pagkuha ang mga motorista.

Minsan mag-isip din ng kayo ng mabuti para sa inyong mga kustomer hindi lang puro kita ninyo ang inyong inaatupag.

Kaya nabubuwisit sa inyo si Pangulong Rodrigo Duterte kasi ala kayong pakialam sa kapakanan ng taumbayan.

Tulad nyan nagalit na ang LGUs sa inyo sunod-sunod na yan, sila na ngayon ang gagawa ng hakbang laban sa inyo.

Galit na sa inyo ang LGUs, sabayan pa ng taumbayan at ni ­Pangulong Duterte, saan kayo ­ngayon pupulutin?

‘Wag nyo nang antayin na i-take over pa ng gobyerno ang inyong mga negosyo!

Kaya umayos kayo ha!!!!!

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.

95

Related posts

Leave a Comment