INIHAYAG ni Senador Sonny Angara na inaasahan nang magkakaroon ng internet services sa malalayong lugar sa kanayunan matapos maglaan ang Kongreso ng P1.9 bilyon upang makumpleto ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang first phase ng National Broadband Program (NBP).
Ayon kay Angara, nakapailalim sa P4.5 trilyong General Appropriations Bill na niratipikahan ng Kongreso nitong Miyerkoles na dinoble ang badyet ng DICT sa NBP mula sa dating P902.194 milyon sa National Expenditure Program tungo sa P1.9 bilyon.
Bukod pa ito sa badyet sa implementasyon ng free Wifi sa public places at sa state universities and colleges (SUCs) programs ng DICT.
“We need to really ramp up our internet infrastructure. It’s one of the needs of our country. When you talk about build, build, build, you don’t just look at roads, you don’t just look at buildings, but you also look at the actual internet infrastructure because that will provide greater investments,” ayon kay Angara.
“With bigger investments coming in to the country, this will mean more higher paying jobs and more economic activity,” dagdag ni Angara.
Sinabi ni Angara na may mahigpit na pangangailangan para sa mabilis, matatag at maaasahang internet connection sa bansa ngunit naging mas kailangan pa dahil napalitan ang pangangailangan ng mamamayan sa ilalim ng new normal.
Mas marami ngayon ang pangangailangan sa internet connectivity dahil wala nang face-to-face transaction sa gobyerno, pribadong sektor at edukasyon.
“The cost of internet subscriptions for the government alone is a huge amount but with the implementation of the NBP, the DICT promises to bring down the rates significantly,” ayon kay Angara.
Tiniyak ng DICT na magkakaroon ng mas mura, mabilis at maaasahang internet services ang gobyerno upang mabawasan ang ginagastos ng pamahalaan sa internet subscriptions kapag nakumpleto ang unang bahagi ng NBP.
Tinukoy ng ahensiya na gumagastos ang pamahalaan ng P350 kada megabits per second (<bps) sa internet bandwidth kada buwan.
Sa pangkaniwang sukat ng isang ahensiya na nangangailangan ng 100 Mbps na ginagamit ng buong gusali ay nagkakahalagang P35,000 kada buwan o P420,000 kada taon.
“With the NBP, the DICT said the cost for the same agency would go down to P5,000 a month, or P60,000,” ayon kay Angara.
Ayon kay Angara, inaasahan ng DICT na makatitipid ang pamahalaan ng P720 milyon sa internet subscription expense sa unang taon ng implementasyon ng NBP.
Itinaas naman ng DICT mula sa P250 milyon tungo sa P2.667 bilyon ang pondo para sa libreng WiFi sa public places.
Ayon pa kay Angara, naglaan naman ang Kongreso ng P557 milyon para sa libreng Wifi sa SUCs.
Sinabi ni Angara na inaatasan ng Republic Act 10929 o ang Free Internet Access in Public Places Act ang gobyerno na magbigay ng libreng internet sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at public places. (ESTONG REYES)
