CAVITE – Talamak pa rin ang tupada sa lalawigang ito, patunay ang 27 sabungero na dinampot ng mga awtoridad makaraang mahuli sa akto sa magkakahiwalay na lugar.
Kabilang sa mga inaresto sina Nestor Jarin, Gerardo Jarin, Joebert Castillo, Marlon Castillo, Julieto Menil, Gilbert Andrade at Ryan Christoper Castillo, pawang mga residente ng Dasmariñas City; Jeffrey Agbon Tyson, Jovan Aveles Tori at Garry Velmares ng Kawit; Marlo Malabad; Oswaldo Tume, Antonio Villarosa, Ronni Masellones at Nolito Balbarin, pawang ng Bacoor City; Godofredo Navidad, Jeffrey Carpio, Fernando Papa, Jon-Jon Soverano at Manuel Yu, pawang ng Gen. Trias City; Ralph Emerson Tambong, Nicallo Cham, Roberto Bunac, Reymar Bomia, Jonathan Hermoheno, William Paculan at Rafael Arimetica, pawang ng General Mariano Alvarez (GMA).
Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), sa pagitan ng alas-10:30 ng umaga hanggang alas-3:45 ng hapon noong Linggo, nagsagawa ng anti-illegal gambling operations ang mga awtoridad sa Brgy. Buro Main, Dasmariñas City; Montereal Subd., Brgy. San Sebastian, Kawit; Brgy. Panapaan IV, Bacoor City; Brgy. Manggahan, Gen. Trias City at Brgy. Francisco Reyes, GMA, kung saan naaktuhan ang mga sabungero sa aktong nagsasagawa ng tupada.
Habang marami pang mga sabungero ang nakatakas nang magtakbuhan ang mga ito.
Nakumpuiska ng mga awtoridad ang sampung buhay na panabong na manok, anim na tari, isang patay na panabong at P11,410 cash na pusta. (SIGFRED ADSUARA)
