TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang P4.506 trilyon national budget para sa taong 2021.
Natanggap ng Malakanyang ang kopya ng budget noong Biyernes, December 18.
Nauna nang tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na bubusisiin ang panukala at gagamitin ng pangulo ang kapangyarihan na i-veto ang ilang bahagi kung kinakailangan.
Nakapaloob sa panukalang national budget ang P72.5 bilyon na ilalaan sa pagbili ng bakuna para sa COVID-19 o ang pagresponde ng pamahalaan sa pandemya sa COVID-19 gaya ng pambili ng bakuna, pagsasaayos ng healthcare syatem, public at digital infrastructure at iba pa.
Ang 10 ahensiya ng gobyerno na makatatanggap ng pinakamalaking alokasyon sa 2021 ay Education (kabilang ang DepEd, SUCs, CHED, TESDA), P708.2 bilyon; DPWH, P694.8 bilyon; DOH (kabilang ang PhilHealth, COVID-19 vaccines), P287.5 bilyon; DILG, P247.5 bilyon; Defense, P205.5 bilyon; DSWD, P176.7 bilyon; Transportation, P87.4 bilyon; Agriculture, P68.6 bilyon; Judiciary, P44.1 bilyon; DOLE, P36.6 bilyon.
Samantala, makikita sa larawan na kasama ng pangulo ang ilang mambabatas at miyembro ng kanyang gabinete na nagsilbing saksi sa kanyang paglagda sa national budget para sa susunod na taon. (CHRISTIAN DALE)
