NAGING sentro ng mensahe ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang mas pinaigting pang pagkakaisa at pagtutulungang kanilang mga empleyado at opisyal ngayong 2021.
Layunin ni Guerrero sa kanyang binitiwang mensahe para sa lahat ng mga BOC employees na magtulungan upang makamit at makalikom ng tamang buwis, mapalago ang kalakalan at maprotektahan ang mga hangganan ng bansa.
Ang kabuuang bahagi ng commissioner’s message: “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat ng lingkod-bayan sa Bureau of Customs at sa mga kababayan. Ngayong kapaskuhan, nais kong pasalamatan kayong lahat sa patuloy niyong suporta sa Aduana sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Kasabay ng aming pagtugon sa tungkulin, patuloy din ang aming pagsasagawa ng mga reporma at modernisasyon tungo sa mas maunlad na ekonomiya. Sa darating na bagong taon, hangad namin sa Bureau of Customs ang mas pinaigting pang pagkakaisa at pagtutulungan nating lahat upang makamit ang ating layunin na makalikom ng tamang buwis, mapalago ang kalakalan at protektahan ang ating mga hangganan.
Kasama ng aking pamilya at mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs, ako’y nananalangin ng kapayapaan, kasaganahan at kaligtasan para sa ating lahat. Muli maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!”.
162
