COC NG BOC BINISITA NI FINANCE SEC. DOMINGUEZ

Binisita ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III kasama si Undersecretary Antonette Tionko ang bagong pasinayaang Customs Operations Center (COC) ng Bureau of Customs o BOC.

Ipinakita naman ni Commissioner Rey Leonar­do B. Guerrero ang kanilang bagong Customs Operations Center sa dalawang opisyal ng DOF sa pamamagitan ng audio-visual presentation ng nasabing pasilidad at kung paano ang operas­yon o pagpapatakbo nito.

Ito ay kasunod ng demontrasyon kaugnay sa ‘routinary activities and actions’ na isinasagawa araw-araw sa tuwing ika-2 oras ng pinagsamang team mula sa Intelligence, Enforcement at Port Operation offices na pinamumunuan ni retired BGen Noli Samarita.

Ang COC ay naka-designed sa tanggapan ng BOC pangunahin na ang intelligence at enforcement offices, kasama na ang risk management at scanning systems ng Bureau.

Layunin nito na palakasin ang pasilidad at kapasidad ng Bureau.

Ang operasyon nito na ay magpapabuti sa kalakaran ng labing pitong (17) Collection Districts sa buong bansa.

Layunin din ng COC na matulungan ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) para mapahusay pa ang pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Sa pamamagitan ng Internet-based at wireless technologies, ang pasilidad ay magsisilbi na isang importanteng sangay para sa BOC bilang isang protection unit ng bansa upang maihatid ang kanilang mandato sa pag-se-secure ng ating hangganan mula sa ginagawang kalakalan at koleksyon ng buwis na naaayon sa batas.

Kamakailan, sa isinagawang paglulunsad ng COC, kinilala ni Commissioner Guerrero ang DOF na naging instrumento sa pagkagawa ng nasabing pasilidad.

Bago nagtapos ang pagbisita ng mga opisyal ng DOF, ay nagsagawa din si Commissioner Guerrero ng inspeksyon sa Port of Manila (POM) na bagong gawa ang opisina na kung saan matatagpuan ang ‘assessment, operations and administrative offices maging ang tanggapan ng District Collector at Deputy Collectors.

Ang Bureau of Customs, sa ilalim ng Department of Finance, ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan ‘hand-in-hand’ sa pagbibigay sa publiko ng ‘excellent and efficient public service’ sa pamamagitan ng pinalakas na border protection, pagpapahusay ng kalakalan na mapaganda ang revenue collection.  (Joel O. Amongo)

175

Related posts

Leave a Comment