Napakailap ng suwerte ng Pelikulang Filipino na makalusot sa pinakamimithing Best Foreign LanguageFilm category ng Oscars o ang Academy Awards ng Hollywood, USA. Limang full-length movies lang kasi ang pinipili, and dagsa ang entries mula sa iba’t ibang bansa.
Wala pang Pinoy movie ang nakakapasok sa pinakamimithing kategorya. Pero this year (2019), tatlong Pinoy – o may dugong Pinoy – ang official nominees sa Oscars 2019!
Hindi nga lang sa Best Foreign Language category, pero sa ibang kategorya. But still, an Oscar nomination is an Oscar nomination.
Nais naming magbigay-pugay sa tatlong kababayan nating ito na nag-iiwan ng marka at namamayagpag sa World Cinema — at ngayon nga’y na-penetrate na ang pinakamimithing Oscars this year! Sila ay sina Matthew Libatique (Filipino-American), Trevor Jimenez (Filipino-Canadian), at si Bobby Pontillas (Filipino-American). Pinoy pride!
Nominado si Matthew Libatique sa best cinematography category para sa A Star Is Born nina Bradley Cooper at Lady Gaga. Second Oscar nomination na niya ito, take note. Una na siyang na-nominate sa Oscars for Black Swan (2011) ni Natalie Portman. Kapwa Fil-Am ang kanyang mga magulang, at ipinanganak at lumaki siya sa Queens, New York. Marami na siyang video collaborations sa Amerika.
Sina Trevor Jimenez at Bobby Pontillas naman ay kapwa nominado sa Best Animated Short Film category.
Si Jimenez ay para sa short animation niyang Weekends, his first Oscar nomination. Animator siya sa Pixar na nagde-develop ng animated short films.
Kabilang sa blockbuster animation films niya ay ang Coco, Rio, Finding Dory, Ralph Breaks The Internet, Monsters University, at iba pa. Ang Weekends ay “very personal” kay Jimenez dahil katulad ito sa kanyang childhood. Divorced ang kanyang Fil-Canadian parents.
Samantala, si Bobby Pontillas naman ay isang Fil-Am animator at Art Director of Taiko Studios. Nominado siya para sa kanyang animated short film One Small Step, kung saan co-director niya si Andrew Chesworth.
Ang One Small Step ay nagkamit na ng tumataginting na 26 awards mula sa iba’t ibang film festivals sa buong mundo! Tungkol ito sa isang Chinese-American girl na nangangarap maging astronaut.
Nagtrabaho si Pontillas sa Blue Sky and eventually, nakuha niya ang kanyang dream job sa Disney. Dito na namayagpag ang pangalan niya sa paggawa ng mga bonggang animation films tulad ng Frozen, Tangled, Wreck It Ralph, Zootopia, at iba pa.
Ang mga kalaban ng Weekends ni Jimenez at ng One Small Step ni Pontillas sa 2019 Oscars Best Animated Short Film ay: Animal Behaviour (Alison Snowden at David Fine), Bao (Domee Shi at Becky Neiman-Cobb), at Late Afternoon (Louise Bagnall at Nuria González Blanco).
Ang 91st Academy Awards ay gaganapin sa February 24 sa Hollywood. (WHATTA MELL! / MELL T. NAVARRO)
206