ISPs PARURUSAHAN SA ‘DI MAAWAT NA CHILD PORNO

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng gabinete nito sa National Telecommunications Commission (NTC) na parusahan ang internet service providers (ISPs) dahil sa kabiguang mapahinto ang paglaganap ng child pornography.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang kautusan at bagong direktiba ng pamahalaan ay kasunod ng ulat na kahina-hinalang transaksyon na may kinalaman sa online sexual exploitation sa gitna ng COVID-19 pandemic na sinasabing doble ang naitala sa taong 2020 dahil mula 19,000 sa nakalipas na taon ay pumalo na ito sa 47,937 ngayong taon.

Sa ilalim ng Republic Act 9775, “ISPs should notify the Philippine National Police (PNP) or the National Bureau of Investigation (NBI) within seven days from obtaining facts and circumstances that any form of child pornography is being committed using its server or facility.”

Ang lahat ng ISPs ay kailangan na mag-install ng available technology, program o software para matiyak na ang “access to or transmittal” ng anomang uri ng child pornography ay mahaharang o mapi-filter na naaayon sa batas.

Kapwa naman tinitingnan ng PNP at NBI ang napaulat na pagbebenta ng malalaswang larawan at video ng mga estudyante na hirap makaagapay sa kanilang distance learning requirements sa gitna ng COVID-19 pandemic. (CHRISTIAN DALE)

90

Related posts

Leave a Comment