INTERNET SPEED SA PH USAD-PAGONG PA RIN

“OUR mobile Internet speed is improving, but it is clearly improving at a snail’s pace”.

Ganito inilarawan ni Makati Rep. Luis Campos Jr. ang internet speed sa Pilipinas matapos tumaas umano sa 14 notch noong nakaraang Disyembre.

Mula sa 18.49 megabits per second (Mbps) noong Nobyembre 2020, ay umakyat ito sa 22.50 Mbps, base sa report ng The Speedtest Global Index.

Gayunpaman, hindi pa rin kontento ang mambabatas sa pagbuti ng internet speed sa bansa dahil mula sa ikalawang pinakabagal sa mga bansa sa Association of Southeast Asian (ASEAN) nations, ay isang hakbang lang ang inangat nito.

Bago ito ay ikalawa ang Pilipinas sa mga bansa sa ASEAN sa may pinakamabagal na internet speed at ngayon ay ikatlo na ito kasunod ng Cambodia at Indonesia.

Ang Cambodia ay may 19.22 Mbps habang 17.26 naman sa Indonesia.

Malayong malayo pa aniya ang Pilipinas sa Thailand na may 51.75 Mpbs noong Disyembre mula sa 42.80 Mbps noong Nobyembre.

“As a result, Thailand soared to No. 33 worldwide from No. 44 and now has the second fastest mobile internet speed in ASEAN, next only to Singapore, which ranked No. 21 with 66.82 Mbps,” ani Campos.

Taliwas ito sa Pilipinas na ika-96 pa rin sa 139 bansa sa mundo pagdating sa mabagal na internet.

Sa ngayon ay ang Qatar ay may pinakamabilis na internet sa buong mundo dahil umaabot sa 178.01 Mbps ang kanilang internet speed na sinundan ng United Arab Emirates (177.52 Mbps), at ikatlo ang South Korea na may 169.03 Mbps. (BERNARD TAGUINOD)

89

Related posts

Leave a Comment