AFP HINDI MAGTATAYO NG MILITARY DETACHMENT SA UP CAMPUS

ITO ang paglilinaw kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna ng mga balita at haka-hakang pinakakalat umano ng mga sumasalungat sa ginawang unilateral abrogation ng kagawaran sa “No cops, no troops on campus” deal.

Ayon kay Lorenzana, “We do not intend to station military troops inside campuses. We do not wish to suppress activist groups, academic freedom and their freedom of expression”.

Kasabay nito ang paglalatag ng kalihim ng kanyang apat na punto: Na ito ay hindi curtailment ng academic freedom; ‘This will not impair their freedom of speech, assembly, and redress of grievances; The DND and the UP community can co-exist like before.

Sinabi pa ng kalihim, “The unilateral decision on the accord does not violate any provision of the agreement.” At higit sa lahat, aniya “This is not an attack against UP, but a necessary measure to protect the young.”

Nagpahayag naman ng kanilang suporta ang pamunuan ng AFP Northern Luzon Command at Southern Luzon Command maging ang major services sa naging pasya ng DND na pawalang bisa ang nasabing kasunduan sa UP.

Ayon kay Lt Gen. Arnulfo Marcelo B Burgos Jr., NOLCOM commander; “We want to prevent an instance where there is actual danger and we cannot respond and protect our people.”

Sa panig naman ni SOLCOM chief Lt.Gen Antonio Parlade, sinabi nito na kasalukuyan pang pinag-aaralan kung ano ang mga parameter na ipatutupad kaugnay sa pagsasawalang bisa ng kasunduan.

Pero ang tiyak umano ay hindi sila magsasagawa ng pagpapatrulya sa loob ng UP campus, ani Gen. Paralde. (JESSE KABEL)

100

Related posts

Leave a Comment