MGA MAGSUSULONG NG POLITICAL INTERES SA CHACHA, INUPAKAN

NANINDIGAN si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na pokus lamang sa economic provisions ang isinusulong nilang Charter change kasabay ng pagbatikos sa mga mambabatas na posibleng magsamantala at ipasok ang kanilang political interest.

“Halata na masyado ‘yan kapag gagawin ng mga congressman at senador yan. Mga kupal na yang mga tarantado na ‘yan,” diin ni Bato.

“Alam naman nila ang habol lang eh, economic provisions tapos sa kanila pansariling interes, kupal na masyado ang mga ‘yan kapag ‘yan isasali pa nila. Kung ang para sa kabutihan ng sambayanan singitan nila ng pansariling interes halata na masyado. Hindi naman lahat ng congressman kupal,” diin pa nito.

Naniniwala rin si Bato na may sapat pa silang panahon para isulong ang pagbabago sa economic provision ng konstitusyon kahit mahigit isang taon na lamang ang Duterte administration.

“What can you do sa more than 1 year, napakarami. Kung gusto maraming paraan, ‘pag ayaw maraming dahilan,” diin nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

117

Related posts

Leave a Comment