RATSADA na ang isinasagawang pagsasanay sa health workers ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) para sa pagbabakuna ng anti-COVID-19 vaccines na inaasahang darating sa huling linggo ng first quarter ng taon.
Sinabi ni DOH-Regional Director Eduardo C. Janairo, lahat ng health workers na naatasan sa implementasyon ng COVID-19 vaccines ay kinakailangang may sapat na kaalaman at kasanayan para masiguro ang kaligtasan at pangangasiwa kung ito ay ipakakalat na sa local level.
“Our health workers play critical roles in the proper vaccine storage, handling, preparation, and administration, and they must be prepared to answer vaccine recipients’ questions and concerns in the field,” ayon kay Janairo.
“Kailangang lahat tayo ay handa lalo na ang ating local government units pagdating ng mga bakuna upang maiwasan ang pagkakaroon ng misinformation and ma-address natin ang vaccine hesitancy sa mga target recipients.” dagdag pa ng regional director.
“Every health human resource including vaccinators and support staff, logistics, funds, supplies must be prepared and most important ‘yung coordination ng lahat ng LGUs at stakeholders, dapat alam ang kanilang gagawin. Everyone involved in the vaccination activity must know how to advocate the vaccination program,” ayon pakay Janairo.
Nakapaloob sa on-line na pagsasanay ang ilang modules kabilang ang video lectures at mga presentasyon, updates at impormasyon hinggil sa vaccine selection, evaluation, procurement at deployment.
“Sa list na ito tayo magbabase kung sino ang mga bibigyan ng bakuna. At napaka-importante na maibahagi at maipaunawa sa ating mga kababayan na ligtas gamitin ang bakuna na ito at ito lamang ang makakapagbigay ng kaligtasan laban sa COVID-19,” paliwanang pa ni Janairo. (SIGFRED ADSUARA)
